Thursday, October 21, 2010

gusto ko magsulat

pero di ko magawa...

gusto ko magsulat ng totoo
pero ano ba ang mali ko...

gusto ko magsulat ng matino
pero laging magulo...

gusto ko magsulat
pero walang ink ballpen ko...



Monday, September 21, 2009

change.

"Nobody can go back to start and make a new beginning, but anyone can start today and make a new ending."

-Maria Robinson

Tuesday, September 1, 2009

alamin mo

alam mo ba ang storya ng buhay ng magulang mo?
alam ko, na kagaya ko, di mo na ito binigyan pansin. kasi, alam mo, sa hindi mapaliwanag na dahilan, nagmumukha lang sila na taga bigay ng magandang buhay sayo.
pero,
katulad ng magandang buhay mo ngayon, may buhay din sila.
may kwento din.

makinig ka ha?

matutuwa ka.
malulungkot.
mahihiwagaan.
matututo.

Tuesday, June 30, 2009

kasama ka ba sa milyon?

Naiinis ako.

Naiinis ako for the fact that I can't fight for what I think.

Pauwi na ako kasama ang isang kaibigan ng napadaan sa Comelec.
Sinabi ko na magpa-register na siya para sa 2010 elections.
Sabi niya parang nagpapakaimpokrita ka kung magsasayang ka lang ng oras sa isang bagay n alam mo naman walang patutunguhan. Kahit bumoto ka pa, wala namang tama at karapat dapat na mamuno dahil pare-pareho lang silang lahat. Matutuloy at matutuloy ang cha-cha.



Para akong sinampal.


tugsh.



Oo. Totoo.
Ano ba magagawa ko? ano ba magagwa ng pag-boto? Slow ang di maka-gets sa plano ng administrasyon sa bansa ngayon. Alam ko din naman tulad ng milyong milyong Pilipino ang mangyayari, matutuloy parin ang dapat hindi matuloy dahil sa kasakiman ng ilang tao.
Pero, tulad ng milyong milyong Pilipino gaya ko, umaasa ako na magkakatotoo ang matagal ng pangarap ng ating mga bayani, ninuno at ang miliyong milyong Pilipino gaya ko.
Mahirap lumaban kung alam mong sa umpisa pa lang, talo ka na.
Pero wala nang mas sasakit pa sa pagkatalo kung sa umpisa pa lang, sumuko ka na. Kung sa umpisa pa lang wala ka na ginawa kundi hayaan mangyari ang sa tingin mong hindi mapipigilan.
Tayo naman ang gumagawa ng ating kinabukasan.
At sa pagkaka-alam ko, minsan ng sinabi ni Rizal na dapat ang kabataan iniintindi ang mahahalagang bagay. Nakakalungkot, na kasabay ng pag daan ng panahon, iba't-ibang bagay na ang iniintindi ng mga kabataan. Mas importante na ang lovelife, mga gadget, pera, gimik.
Bakit, makakain ba natin yan pag unti-unti na mamatay lahat dahil sa kapabayaan?
Nakalulungkot. Nakakadismaya.
Ang pagboto, sabihin na natin na wala namang matino at walang may karapatan na umupo, ay tungkulin natin bilang mamamayan. Dito na nga lang natin pwede ipaglaban ang ating karapatan, ang ating kinabukasan. Kasi naniniwala ako na mahal ng Diyos ang Pilipinas. Naniniwala ako na matatalino ang mga Pilipinong minsan ng tinawag na Indios. Naniniwala ako sa sinasabi nilang pag-asa at kinabukasan. At tulad ng milyong milyong Pilipino na naniniwala kasama ko, gagawin ko ang tungkulin ko. Kasi Pilipino ako.


.kris

Sunday, June 22, 2008

Maglaro tayo, Pilipino

Pinapalaro ka ba sa labas nung bata ka?

Naikwento ng aking kapatid kung gaano kaganda ang kutis ng kanyang kaibigan dahil naalagaan ito noong bata pa. Hindi pinapalabas ng bahay at kung palaruin man, ay balot na balot.


Pinapalaro ka ba sa labas noong bata ka?

Ako, oo. At masaya ako dahil dun.

Naniniwla ako na ang bawat bata ay may karapatan na maglaro. Na maranasan tumakbo, umakyat, mapagod, matuwa, makipag-away, umiyak.

Hindi ba mainam turuan ang bata ng pagpapahalaga, pakikipaglaban para sa alam na tama, at kahulugan ng buhay sa pamamagitan ng paglalaro? Dahil dito nila nararanasan ang matalo, manalo, makipag-talo, mag-ehersisiyo, makipag-pakilala, magbahagi, mabahagian.

Hindi ba masaya alalahanin na ang peklat sa kaliwang kamay ay alaala ng pagtatanggol sa nasirang laruan? At ang hiwa sa kanang kamay ay simbolo ng pagharap sa takot umakyat sa puno? Balewala ang sugat na matatamo. Gagaling din naman ang sugat ng kahapon. Maglalaho din ang bukas ng masamang alaala.

Ngunit nakakalungkot, na nag bata ngayon, ang pag-asa at tagasalba ng ating bayan, ay nakakalat sa kalsada...gutom, nagtitinda...at ang mas malala pa, nalulunon sa droga. At kung hindi man, nagnanakaw.

Nakakalungkot isipin na patuloy ang paglaki ng harang sa pagitan ng mayayamang bata sa mahihirap.

Maganda nga ba ang naghihintay na kinabukasan sa mga batabg sinasanay sa wikang Ingles, tinuturuan tumugtog, sumayaw, gumaling sa ano mang larangan, gayong ang ating bayan, ang ating ekonomiya, at ang milyong-milyong Pilipino na nagsilbing pundasyon ng ating bayan, ay patuloy na lumulubog, lumalayo...nagkakawatak-watak...

At pag nagkataong lumala pa it, maalala pa kaya nila ang simpleng patakaran sa laro ng buhay? Maibahagi kaya nila ang bakanteng duyan sa ibang batang naglalaro?

Nakakalungkot isipin na sa mga susunod na taon, tuluyan ng lulubog ang kulturang ipinamana sa ating bayan at ang kalayaang ipinagtanggol ng ating mga bayani para sa lahing Pilipino.

Unti-unting na nga ba maglalaho ang mga palaruan ng batang Pilipino na nagsilbing alaala sa minsang matiwasay na buhay - buhay na kayang harapin kasama ang mga kalaro, sama-sama.

Ikaw, nakapaglaro ka na ba?